ANG SINAUNANG GREECE

Greece – matatagpuan sa timog silangan ng Europe at sinasakop nito ang bahagi ng Balkan peninsula.May pulo na umaabot sa 1400 na nagkalat sa 3 pangunahing dagat na nakapaligid dito: Mediterranean sea, Ionian sea & Aegean sea.
Crete- ang pinakmalaking pulo na matatagpuan sa Greece.
SINAUNANG KASAYSAYAN NG GREECE
Kabihasnang Minoan- kauna-unahang kabihasnan na umusbong sa Greece noong c2500 BCE . umusbong ang kanilang pamayanan sa katimugan ng Crete.
Cretan o Minoan- tawag sa mga nanirahan sa crete na nagmula angg pangalan sa kanilang maalamat na pinuno na si Minos na namahala mula noong 1750-1550 BCE siya ay itinuring na dakilang hari ng minoans.
Arthur Evans- isang arkeologong Ingles, dahil sa kanya naging tanyag ang kabihasnang Minoan ng matuklasan ang lungsod ng Knossos noong 1898 na nagpapatunay na may maunlad na na lungsod sa Crete.
Knossos- isang maunlad na lungsod ng mga Minoan na, dito nakatayo ang isang palasyo na may tatlong palapah, ang mga pader nito ay napapalamutian ng ibat-ibang makukulay na larawan at desinyo at mayroong silid na umaabot sa 800 at may mainam na drainage system.
1450 BCE- nagwakas ang kabihasnang Minoan, hindi tiyak kung paano bumagsak ang kabihasnang ito. Pinapalagay na ang paglindol, pagkasunog at pagsalakay sa crete ang naging dahilan.
Kabihasnang Mycenaean- tinaguriang pianaka-orihinal na mamayan ng Greece. Mga taong nagmula sa katimugan ng Russia na nandarayuhan sa Balkan peninsula at tuluyang ng nanirahan sa Greece noong c2000 BCE. Nagmula ang kanilang pangalan sa pangunahing lungsod nito na Mycenae.
1600-1200 BCE- pinangunahan ng punong militar ang lunsod, mahilig sila sa pakikidigma na gamit ang kalasag sibat at espada.
1400BCE- napalitan ng mga Mycenaean nag mga Minoan bilang pangunahing mangangalakal ng sa Mediterranean.
1200BCE-ang mga Mycenaean ay nakipaglaban sa mga Trojan ng Asia Minor, kilala ang labanang ito bilang Trojan war.
Trojan war- di alam kung ano ang dahilan ng digmaang ito, pinapalagay na ang nagiong dahilan ay ang pagkontrol ng mga Trojan ng kalakalan sa Aegean sea na tumagal ng sampung taon.Naging batayan ni Homer ng kanyang akda na Iliad at odyssey.
Homer-isang bulag na mananalaysay na nabuhay noong ika-8 siglo BCE.
Iliad- tungkol sa digmaan ng Greek at Trojan, ayon sa epiko dinukot ni Paris (isang prisipe ng troy) ang asawa ng hari Greece na si Helen.
Achilles- ang pinakamahusay na madirigma ng Greece.
Trojan Horse-ang dahilan ng pagkatalo ng Troy, dahil sa pag-aakalang nanalo na sila sa digmaan dahil sa isang higanteng kabayong iniwan ng mga Mycenaean na ginawang panlinlang sa mga kalaban.
Odyssey- salaysay ng mga nangyari kay Odysseus sa kanyang pagbabalik sa Greece pagkaraan ng Trojan War.
Kulturang Hellenic- nagmula sa salitang Hellas ang taguri ng mga greek sa kanilang mga bansa.
Mt. Olympus- dito naninirahan ang mga diyos ng sinaunang Greece.
Zeus- pangunahing diyos
Hera- asawa ni zeus
Athena-diyos ng karunungan
Aphrodite – diyos ng kagandahan at pag-ibig.
Poseidon – diyos ng karagatan
Ares- diyos ng digmaan
Apollo- diyos ng araw
Olympia-dito idinadaraos ang mga pagdiriwang bilang parangal sa kanilang diyos, pinakatanyag dito ang palakasan kungsaan ipinapakita ng mga manlalaro ang kanilang kagalingan sa isang laban o laro tulad ng discuss, wrestling at mablisang pagtakbo. Dito hinango ang pandaigdigang palaro na Olympic games na nagsimula noong 1896.

About these ads

7 responses to this post.

  1. Posted by hayley annika on June 19, 2012 at 2:27 am

    thank u for the information!

    Reply

  2. thanks po sa information, nagawa ko ang assignment ko sa social studies. :)

    Reply

  3. Thanks for the information ….

    Reply

  4. thanks

    Reply

  5. pangangalakal ba gn gawain ng mga griyego?

    Reply

  6. thanks for an outline

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: