ANG REPUBLIKA NG ROME

Nagmula ang salitang republika sa Wikang Latin na “res publika” na nangangahulugan ng “kapakanang pampubliko”.

509 BCE- naagaw ng mga Roman ang kapangyarihan sa pamumuno sa Rome sa mga Etruscan, pinalitan ang monarkiyang pamahalaan ng isang republika.

Lucius Junius Brutus- namuno sa pagtaboy sa mga Etruscan na siyang nagtatag ng republika sa Rome.

Tarquinius Superbus – ang huling haring Etruscan.

2 Uri ng Tao sa Lipunan

Patrician – mayayaman at galing sa unang pangkat mamamayan ng Rome

Plebeian – bumubuo sa karaniwang tao kung saan kabilang ang mga magsasaka, manggagawa at mga pamilya na huling nanirahan sa lungsod.

Balangkas ng Pamahalaang Rome

2 Konsul – namamahala sa loob ng dalawang taon, pinipili sila ng senado upang mangasiwa at magpatupad ng batas.

Senado – binubuo ng 3oo miyembro na pawang mga Patrician, ito ang pinakamakapangyarihang bahagi ng Republika. May kontrol sa pananalapi at ugnayang panlabas at nagpapasya rin sa mga isyung makakaapekto sa estado.

Asamblea – itinantag ng magtangkang mag-alsa ang mga Plebeian, binubuo ng sampung miyembro na binubuo ng Tribune. maari itong gumawa ng batas para sa kapakanan ng mga karaniwang tao.

494 BCE – tinangka ng mga Plebeian na mag-alsa laban sa pamahalaan upang makamit ang pantay na karapatan. Nagmartsa sila sa buong Rome at sa kalapit na lugar na tinaguriang banal na bundok at binalak nag magtayo ng sariling lungsod. Nangamba ang mga opisyal sa maaring idulot ng pag-aalsa ng mga plebeian kung kayat nagsagawa sila ng pagbabago.

  • Itinatag ang asamblea na binubuo ng mga kasaping tinawag na tribune na maaring gumawa ng batas upang mapangalagaan ang mga karaniwang mamamayan.
  • naisulat ang kodigo ng mga batas ng Republika na tinawag na Twelve tables noong 451 BCE kung saan nakatala ang mga patakarang ipinapatupad sa estado. Kabilang dito ang mga batas ukol sa pamilya, ari-arian, kriminalidad at maging ang tungkol sa mga nararapat na kasalanan ng mga Roman.
  • Tinanggal ang sistema ng pang-aalipin.
  • Binigyan ng karapatan ang mga Plebeian na makapag asawa ng mga Patrician noong 339 BCE.
  • Halos nagkaroon ng pantay na karapatan ang mga Plebeian at Patricain noong 287 BCE.

Sa kabila ng mga pagbabagong panlipunan at pulitikal na nakamit ng mga Plebeian, nanatili pa ring mas makapangyarihan ang mga patrician sa Rome.

 

 

 

About these ads

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: