GUTOM

APAT na milyong Pinoy ang nakaranas magutom, ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS) na ginawa noong Marso 4-7. Mas malaki ang bilang na ito kumpara noong nakaraang taon na 700,000 ang nakaranas magutom. Ibig sabihin, sa halip na bumuti ang kalagayan ng buhay ng mga Pinoy, mas lalo pang sumama dahil nadagdagan ang mga kumakalam ang sikmura.

Noong Huwebes, rumatsada na naman ang pres­yo ng gasolina at diesel. At sabi, sa Mahal na Araw ay raratsada muli. Kung mangyayari yan, tiyak na madadagdagan pa ang bilang ng mga nagugutom. Ang walang tigil na pagtaas ng petroleum products ang dahilan kung bakit nagmamahal ang presyo ng mga pangunahing bilihin. Ang kinikita ng mga karaniwang mamamayan ay hindi na angkop sa presyo ng mga bilihin. Masyado nang napag-iwanan ang presyo. Dagdag na problema rin ang kawalan ng trabaho. Ngayong marami ang nag-graduate, tiyak na makikipag-agawan sila sa paghanap ng trabaho at wala namang makita.

Sa resulta ng SWS survey ay nagtataka na-man si President Aquino kung bakit dumami ang nakaranas na magutom gayong sa report daw sa kanya ng labor department ay maraming trabahong dapat pasukan. Marami raw hina-hire ngayon. Bukod aniya sa pag-hire ng workers, marami rin ang nabiyayaan ng Conditional Cash Transfer (CCT) ng pamahalaan. Ayon sa presidente, mabibiyayaan ng CCT ang mga pinakamahihirap na pamilya sa bansa. Sa himig na may pagtataka, paano raw mangyayari na tataas ang bilang ng mga nagugutom gayung nakalatag ang mga programa ng gobyerno?

Nilalabanan ng pamahalaan ang nakasaklot na kahirapan. Ipinakikita naman nila ang pagpupursige na malunasan ang problema. Pero siguro, kailangan pa ring dagdagan ang pagsisikap at estratehiya para lubusang matugunan ang panga­ngailangan ng mamamayan. Dagdag na pagtatrabaho para lubusang mapawi ang kagutuman na sumasaklot sa mamamayan. Baka sakaling malunasan din ito sa darating na panahon. Sana nga ay wala nang makaranas ng gutom.

http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=677197&publicationSubCategoryId=94

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: