IKAKASAL KANA PALA?

Kay bilis ng panahon.. hindi ko akalain na sa ilang taon nating pagkakakilala… eh ikakasal ka na. Oo naman malungkot ako, nakita ko lang sa facebook mo na ikakasal ka na. Hindi ko naman maikukubli na kahit masaya ako sa aking pananalita, pighati naman ang nararamdaman ko sa aking puso. Tandang tanda ko pa nung pinakilala ka ng best mo sa akin, ni hindi nga kita pinansin kasi nahihiya ako sayo. Pero nung lumaon, natutuwa na ako pagnakikita kita, nakakaaliw ka pala, bakit naman kasi di mo si sinabing ang sweet mo pala, yan tuloy nahulog ang loob ko sayo. kapag nakikita kita gumagaan ang loob ko para bang kompleto ang araw ko. Naaalala mo pa ba, nung nasa college pa tayo, kunwaring may dadaanan lang ako, pero ikaw ang pakay ko sa boarding house nyu, di kasi kita matiis… Syempre iba ang hindi ako magpapahalata na may pagtingin ako sa iyo, ayokong isipin nila na gusto kita…Hanggang sa napupuna na nila na madalas tayong magkakatext… pero hanggang doon nalang pala yon, medyu masakit pero kailangan tanggapin. Mahirap tanggapin kasi di ko alam kung bakit, o ano ang dahilan kung bakit mo ako iniwan.

Kahit nga nung nagka girlfriend ako, ikaw pa rin ang bukang bibig ko. Di ko matigil ang pag kwento ng tungkol sa iyo, naiinis na nga ang girlfriend ko kasi parang di na kita tinatantanan. Di daw ako makamove-on sayo, pero yon naman talaga ang totoo, hanggang sumuko nalang ako at iniawan ko sya, kasi umaasa at nasa puso pa rin kita.

Pero ilang taon din tayong di nagtagpo… simula nung nag grumadwet ka, pinilit kong wag kang isipin  at unti-unti kitang Makalimutan, pero wala eh, ganun pa rin ikaw pa rin. At ngayon nga.. halos tatlong taon na na anag nakalipas… ikakasal ka na.. congratulations!  At sana maging masaya ka. May gusto akong sabihin sa iyo bago ka pa ikasal: Madalas makakasalamuha natin ang mga taong lilipas at daraan lamang sa ating mga buhay. Ngunit minsan, kung papalarin ay makakatagpo tayo ng taong uukit sa ating mga puso habambuhay. Naging mapalad ako dahil minsan sa buhay ko ay nakatagpo ako ng isang taong tinuruan akong maging MALIGAYA; isang taong tinuruan akong UMIBIG; isang taong tinuruan akong MASAKTAN; isang taong tinuruan akong MABUHAY. Naging mapalad ako, dahil minsan sa aking buhay, nakilala kita… Paalam na lang muna siguro. Aasa akong isang araw, muli tayong magkikita. Baka sakali sa panahon na yon, magawa mong makilala akong talaga. Baka sakali sa araw na yun, hayaan mo akong TUNAY NA MAHALIN KA… Patuloy akung aasa kahit na alam kung wala ka na…

nash

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: