MGA KONTINENTE NG DAIGDIG

Ang Kontinente

  • pinakamalaking masa ng lupa sa ibabaw ng daigdig. Ito ay malawak na lupain na may sukat na milyong milyong kwadrado at mataas mula sa lebel ng dagat.

Mga Teorya/Pinagmulan ng Kontinente

  • kung pagmasdan ang mapa ng daigdig, mapapansin na ang kontinente ay parang isang jigsaw puzzle na pinaghiwa-hiwalay ngunit maaring mabuo muli bilang isang malaking kalupaan.

1. Continental Drift Theory

  • si Alfred Wegener, isang Meteorologong Aleman, ayon sa teorya, 200 milyong taon na ang nakakaraan ang isang kontinente noon na tinawag na Pangaea (super continent). Pagkalipas ng 180 milyong taon ay nagsimulang maghiwalay at nahati sa dalawa: ang Laurasia sa hilagang hemisphere at ang Gondwanaland sa timog hemisphere. Noong 65 milyon mula sa kasalukuyan, tuluyan ng nahati ang dalawang kalupaan sa ibat ibang kontinente.

2. Teoryang Diyastropismo

  • Ang diyastropismo ay ang ang pag-galaw ng ibabaw na lupa na nagsanhi ng pagkawala ng hugis ng mga bato. Napaibabaw sa tubig ang mga magagaang bato at ibang materyal na tumaas kaysa sa dagat.

4. Tectonic Plate Theory

  • Ang ibabaw ng mundo ay binubuo ng mga malalaking tipak at malalapad na bato na tinatawag na tectonic plate, ang mga platong ito ay magkakadikit na tulad ng isang Jigsaw puzzle. Ito ay gumagalaw sanhi ng init na mula sa pinakailalim ng mundo, nagbuungguan naggitgitan hanggang sa humantong sa paghihiwalay nito. Sa pagkakabaluktot ng plato nagkaroon ng guwang sa pagitan at siyang naging dahilan ng pagkakaroon ng malalim na karagatan (trenches) at pag-angat ng ibang kalupaan.watch?v=ryrXAGY1dmE&feature=related

5. Teoryang Panrelihiyon

  • Lahat halos ng paniniwala o relihiyon ay nagpapanukala na nilalang ang daigdig ng isang kinikilalang Diyos. Batay sa mga sinaunang relihiyon ng mga taga-Mesopotamia, India, at maging sa Pilipinas, may higit na makapangyarihang puwersa na naglalang sa sansinukob. Sa mga Kristiyano, nakasaad sa aklat ng Genesis sa Bibliya ang kasaysayan ng paglalang ng Diyos sa sandaigdigan at sa mga tao sa buong kalupaan.

reference:

  • Kasaysayang ng Daigdig: Teofista Vivar, Ed.D. et.al.:SDpublications,Inc.2000
  • Kasaysayan ng Pilipinas: Conchita Leong et.al. Innovative Education Materials Inc.2004
  • Sulyap sa Kasaysayan ng Daigdig: Eliza Bustamante et.al.: St.Bernadette Publishing House Corporation.2009
  • http://www.enotes.com/earth-science/cretaceous-period

About these ads

6 responses to this post.

  1. Posted by weaknapro on June 4, 2012 at 6:44 pm

    ama ng kasaysayan

    Reply

  2. GusTo Ko Sana Lahat Basahen Kaso Mahaba eh .

    Reply

  3. THANK YOU!!!!!!Sa wakas naka tapos ako ng assignment……………….

    Reply

  4. Posted by acooxhiijhay on July 2, 2012 at 9:02 pm

    thank you po

    Reply

  5. So informative, lookin’ forward of seeing more articles from many more like u…….

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: