PAG-USBONG NG KABIHASNAN SA MUNDO

KATUTURAN NG KABIHASNAN
Kabihasnan o Sibilisasyon- tumutukoy sa mataas na lebel ng pamumuhay ng tao.
-maituturing na kabihasnan ang isang pamayanan kung ito ay kakikitaan ng mga elementong tulad ng organisadong pamahalaan, relihiyon, ekonomiya, at mahusay na sistema ng pagsulat.
A. PAMAHALAAN- ang paglaki ng populasyon sa pamayanan ang nagbunsod ng pangangailangan ng isang mahusay na sistema ng pamamahala upang mapangalagaan ang kaayusan at katahamikan ng lugar. Ang inatasang pinuno ang siyang gumagawa ng batas na dapat sundin ng mga mamamayan. Karaniwan na may pangkat ng tao na tumutulong sa pinuno sa paggawa at pagpapatupad ng mga batas.
B. RELIHIYON- isa ito sa nagsisilbing pwersa sa pagkakaisa ng mga tao sa isang pmayanan. Nag-ugat ito sa mga hindi maipaliwanag na phenomena na nagbigay-daan sa paniniwala sa mga makapangyarihang nilalalang na may kakayahang ikontrol ang mga pangyayari. Sa ganitong paraan umusbong ang mga dakilang relihiyon.
C. EKONOMIYA- ang pagkatuto ng mga sinaunang tao sa larangan ng agrikultura ay nagbunga ng pagkakaroon ng kasapatan sa pagkain. Dahil dito, ilan sa mga mamamayan ay bumaling sa iba pang Gawain tulad ng paggawa ng mga banga, alahas,sasakyang pandagat, at mga sandata. Ditto nagsimulang umunlad ang kakayahan ng tao sa larangan ng pagawa at ang bunga nito ay isang pamayanan na sentro ng kalakalan.
D. TEKNOLOHIYA- ang pagkakaimbento ng mga bagay na makakatulong sa pamumuhay ng tao tulad ng gulong, potter’s wheel, at mga sasakyang panlupa at pandagat ay higit na nagpadali sa Gawain ng mga sinaunang tao na siyang nagdudulot ng mabilis na pag-unlad ng kanilang pamayanan.
E. SISTEMA NG PAGSULAT- pagkakaroon ng kumplekadong pamumuhay sa pamayanan dulot ng organisadong pamahalaan, relihiyon at kabuhayan ang nagbigay-hudyat sa pagkaimbento ng sistema ng pagsulat. Natutunan ng mga sinaunang tao na itala at ipatupad na batas at ilista ang mga nagbabayad ng mga buwis . mahalaga rin ang pagsulat sa mga seremnyang panrelihiyon at may kinalaman sa ritwal.
Mga Sinaunang Kabihasnan
4 na Kabihasnang Umusbong na Mundo
1. Kabihasnang Mesopotamia (Pagitan ng Ilog Tigris at Euphrates)
2. Kabihasnang Egyptian (Ilog-Lambak Nile)
3. Kabihasnang Indus ( Ilog-Lambak Indus)
4. Kabihasnang Tsino (Lambak ng Huang Ho River).

2 responses to this post.

  1. Posted by jerald de asis on July 28, 2012 at 8:15 pm

    thanks

    Reply

  2. Posted by christine on September 16, 2012 at 8:11 am

    thanks

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: