ANG SINAUNANG ROME

Rome – isang maliit na bayan na matatagpuan sa sa Italy, nagtagumpay na maging isang makapanyarihang imperyo na sumakop sa mundo ng Mediterranean. May kulturang yumabong na nag-ugat sa Greek.

Kalagayang Heograpikal              

Italy- matatagpuan sa kanlurang bahagi ng Balkan Peninsula. Nasa sa timog ng Europe at may layong 160 Km. mula sa Africa, ito ay hugis bota (Italus) kung saan ang timog ay nagsisilbing dulo ng bota.

Kanluran – Tyrrhenian Sea

Silangan – Adriatic Sea

Timog – Mediterranean Sea

Tiber River – ang katubigan na nagmula sa sa mga kabundukan ng Apennines at lumalandas mula sa silangan patungong kanluran na nagbigay-buhay sa matabang kalupaan ng rehiyon na mainam para sa pagtatanim.

Pinagmulan ng Rome

Maalamat 

Si Aeneas na isang Trojan ay nagtungo sa sa Italy pagkaraang bumagsak ang Troy sa kamay ng mga Greek. Nagtatag sya ng lungsod malapit sa Rome at doon namahala. Dumating ang panahon may dalawang magkapatid ang nagkaroon ng alitan kung sino ang mamahala. Iniutos ng nagwaging kapatid na ipatapong ang kambal na apo sa ilog ng Tiber. Sinasabing iniligatas at inilagaan ang isang lobo ang kambal. Nakilala ang kambal na sina Romulus at Remus. Noong 753BCE, itinatag nila ang lungsod na tinawag na Rome bilang karangalan kay Romulus na unang hari nito.

Isang alamat ang nagsasabi na itinatag ng kambal ang na sina Romulus at Remus ang Rome noong 753 BCE. Sila ay anak ng diyos na si Mars at ng isang prinsesang Latin. Iniwan sila sa ilog Tiber at inaruga ng isang lobo. Ng sila ay lumaki, itinatag ng kambal ang lungsod ng Rome at ipinhayag na magiging dakila ang nasabing lungsod.

Historikal 

Sa pagitan ng 1000 at 500 BCE, may tatlong pangkat ng tao ang nanirahan sa Italy: ang mga Latin sa gitnang na tinawag na roman; Etruscan na Katutubo  sa hilagang Italy; at ang mga Greek sa timog ng Italy  at Sicily na nakapagtatag ng kolonya sa rehiyon. Noong kalagitnaan ng ika-8 siglo BCE, pinag-isa ng latin ang iba pang pangkat ng tao sa Italy at itinatag ang isang lungsod na tinawag na Rome.

Noong 600 BCE, sinakop ng mga Etruscan ang taga Rome at namahala sa lungsod ng mahigit 100 taon. May mataas na antas ng pamumuhay mga Etruscan. Mahusay sila sa pagsasaka, paggawa ng mga gusali at pangangalakal. Natutunan ng mga Roman an gang mabisang paraan ng pakikidigma at pagamit ng mga armas sa mga Etruscan. Naimpluwensyahn din ang mga roman ng sining musika, sayaw at relihiyon ng mga Etruscan.

Taong 509 BCE ng naitaboy ng mga Roman ang mga Etruscan itinatag nila ang republika ng Rome.

4 responses to this post.

  1. ahahaha imuha diay nih SIR? pagkanlang.. diri lang man diay makit.an ang assignment.. :))

    Reply

  2. wii .. :DD diri na lang cu mag’base. haha.. xDD

    Reply

  3. Posted by apple mae on November 8, 2011 at 7:01 pm

    wow. diri na makit an ang assignment

    Reply

  4. 😮 sir why your site is no have chat no other post plzz update it i can make you a site like this if you want http://darkermoviez.blogspot.com/

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: