MGA REBOLUSYONG PAMPULITIKA

RebolusyongPulitikal

Ang mga rebolusyong pulitikal ay mga panahon kung saan ang tao ay nagiging mulat sa mga isyung may kinalaman sa pulitika at pamamahala. Sa panahong ito, ang mga mamamayan ng iba’t-ibang bansa ay naghimagsik upang makamit ang kanilang kalayaan.

GLORIOUS REVOLUTION

Ito ay naganap sa Inglateramula 1688 hanggang 1689. Maihahalintulad sa People Power ng Pilipinas.

  • Ø James II – pinuno noon ng Inglatera. Ang huling haring Stuart. Hindi siya gusto ng mga tao.
  • Ø William of Orange at Mary – sumunod na namuno sa Inglatera.

KatipunanngmgaKarapatan- (Bill of Rights) nagbigay ng pagkakataon sa mga tao naipahayag ang kanilang saloobin. Binigyan nito ng proteksyon ang mga tao sa pang-aabuso ng pamahalaan at ng mga pinuno nito.

Ang resulta ng Glorious Revolution ay ang pag-upo nina William of Orange at Mary bilang pinuno ng Parlamentong Inglatera. Pinatunayan ng rebolusyon na maaaring mas maging makapangyarihan ang parlamento kaysa monarkiya.

Naging magandang halimbawa ito sa ibang mga bansa dahil kanilang napagtanto na maaring supilin ng nagkakaisang mamamayan ang sinumang mapaniil na pinuno o kaya’y kumalas sa mapaniil napagkontrol ng ibang bansa.

 

REBOLUSYONG AMERIKANO

Ang layunin ng Rebolusyong Amerikano ay upang makamit ang kalayaan ng labintatlong kolonya mula sa pamamahala ng Inglatera.

Maraming mga pangyayari ang nagbunsod sa Rebolusyong Amerikano. Nadagdagan ito nang ipatupad ang Batas Selyo.

Batas Selyo – noong 1765 na nagtalaga ng karagdagang bayarin sa buwis sa mga selyo na ginagamit sa mga dokumento at sa komunikasyon.

Nakatulong din ang naganap na Rebolusyon sa Inglatera kung saan nakita ng mga Amerikano ang kaguluhan kung saan nahati ang atensyon ng Inglatera at nag-pokus sa sarili nitong bansa kaysa sa mga kolonya nito.

Ang unang mga labanan sa gitna ng dalawa ay naganap sa Lexington at Concord sa ilalim ng pamumuno ni George Washington. Noong Hulyo 4,  1776, ipinihayag ang Deklarasyon ng Kalayaan na sinulat ni Thomas  Jefferson.

Ang digmaan sa pagitan ng dalawa ay tuluyang nagwakas sa Yorktown.

Ang rebolusyong Amerikano ang nagmulat at nagpakilos sa mga Amerikano upang makamit ang kalayaan ng labintatlong kolonya. Nagsilbing mitsa ito ng Rebolusyong Pransiya.

REBOLUSYONG PRANSES

Ang layunin ng Rebolusyong Pranses ay upang mapaalis sa trono ang mga malulupit na hari ng Pransiya at maging Malaya ang bansa ng Pransiya sa lahat ng sumasakop dito.

UNANG BAHAGI NG REBOLUSYON ( HUNYO 1789-AGOSTO 1792)Ang mga pinuno ng unang bahagi ng rebolusyon ay sina Count Mirabeau at Abbe Sieyes.

RESULTA:

  • Nagkaroon ng reporma sa Pransiya at Inglatera.
  • Nagkaroon ng konstitusyon ang Pransiya noong  1791.

IKALAWANG BAHAGI NG REBOLUSYON (1792-1794)

Sina Jean Paul  Marat, George Danton at Mximillien Robespierre ang mga pinuno ng ikalawang bahagi ng rebolusyon.

Maraming maharlika ang namatay at kasama sa pinugutan ng ulo si Marie Antoinette at Haring Louis XVI.

RESULTA:

  • Naging dahilan ng pagwawakas ng monarkiyang Pransiya at pag-usbong huling mga republika.
  • Umusbong ang diwang nasyonalismo hindi lamang sa bansang Pransiya kundi sa ibang bahagi ng daigdig.

SUBMITTED BY:

  • VIRNA LEGARA
  • GEE GULBE
  • CHELSEA SYDNEY RAMOS
  • NIKKIE LOU QUIñONES
  • ALYSSA MAICA MAHUSAY

2 responses to this post.

  1. i really learn a lot tnx. po

    Reply

  2. ang ganda ng report nyo magagamit ko to para sa project ko thanks much

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: