Minsan may Isang Puta [REPOSTED]

http://www.google.com.ph/imgres?q=ganap+na+bababe&hl=en&biw=1366&bih=667&tbm=isch&tbnid=2ib3hzMphR-alM:&imgrefurl=http://judebautista.wordpress.com/2011/03/06/cerebral-and-heartfelt-ganap-na-babae/&docid=hakwiyyhB-ifaM&imgurl=http://judebautista.files.wordpress.com/2011/03/mercedes-main.jpg&w=1008&h=567&ei=fqolUOiqI-yUmQXD3oG4DA&zoom=1&iact=rc&dur=403&sig=101013428610585372748&page=1&tbnh=134&tbnw=181&start=0&ndsp=22&ved=1t:429,r:2,s:0,i:75&tx=111&ty=78Tingin ng mga bobong kapitbahay ko, puta daw ako. Nagpapagamit, binabayaran. Sabi nila, ako daw ang pinakamaganda at pinakasikat sa aming lugar noon. Di ko nga alam kung sumpa ito, dahil dito naletse ang kinabukasan ko.

Tara, makinig ka muna sa kwento ko, yosi muna tayo.

Alam mo, maraming lumapit sa akin. Nagkagusto at naakit. Ang hirap pag lahat sa iyo, virgin eh. Tinanggap ko naman silang tao, bakit kaya nila ako ginago? Hindi ko maintindihan ang mga nangyari sa akin. Bukas palad ko naman silang pinakitunguhan, ni hindi ko nga itinuring na iba. Iniisip ko na nga lang na kasi di sila taga rito kaya siguro talagang ganoon.

Tatlong malilibog na foreigners ang nagpyesta sa katawan ko. Sabi nila na-rape daw ako.

Sa tatlong beses akong nagahasa, ang pinakahuli ang di ko makakalimutan.

Parang maski di ko ginusto ang mga nangyari, hinahanap-hanap ko siya. Kasi, ibang-iba ang hagod niya. Umiikot ang mundo ko sa tuwing ginagamit niya ako. May mga pagkakaton na nasusuka na ko sa mga nangyayari sa aming dalawa. Parang ‘pag humahalinghing siya, nararamdaman ko na nalalason ako.. Gusto ko mang umayaw, hindi ko makuhang humindi. Hindi ko din alam kung bakit. Ibang klase din kasi siya mag-sorry eh, lalo pa at inalagaan niya ako at ang mga naging anak ko.

Alam mo, parating ang dami naming regalo – may chocolates, yosi at ano ka! May datung pa! Nakakabaliw siya! Alam kong ginagamit niya lang ako pero pagamit naman ako nang pagamit. Sa kanya namin natutunan mag-inggles, di lang magsulat ha! Magbasa pa!

Nung kinasama ko siya, guminhawa buhay namin. Sosyal na sosyal kami! Ewan ko nga ba, akala ko napapamahal na ako sa kanya. Akala ko tuloy-tuloy na kaligayahan namin, yun pala unti-unti niya akong pinapatay.

Punyetang buhay! Sa dami ng lason na sinaksak niya sa katawan ko, muntik na akong malaspag. Ang daming nagsabi na ang tanga tanga ko. Palayasin ko na daw. Taon ang binilang bago ako natauhang makining sa payo. Iniisip ko kasi na parang di ko kakayanin na mawala siya sa akin… Sa amin! .

Sa tulong ng ilan sa mga anak ko, napalayas ko ang demonyo pero ang hirap magsimula. Hindi nga ako sigurado kung nabunutan ako ng tinik o nadagdagan pa. Masyado na kasi kaming nasanay sa sarap ng buhay na naranasan namin sa kanya, kaya eto nabaon kami sa utang. Lubog na lubog kami sa pagkakautang, kulang yata pati kaluluwa namin para ibayad sa mga inutang namin.

Nakakahiya man aminin pero hanggang ngayon, sa tuwing mabigat ang problema ko, siya ang tinatakbuhan ko. ‘Yun nga lang, kapit sa patalim sabi nga nila. Para akong isang aso na nangagat ng amo, na bumabahag ang buntot at umaamo kapag nangangailangan.

Usap-usapan ako ng mga kapitbahay ko. May nanghihinayang, namumuhi at naaawa. Puta na kasi ang isang magandang katulad ko. Ang dating hinahangaan at humahalina ay nabibili sa murang halaga. Alam mo maski ganun ang mga nangyari sa akin, nilakasan ko pa rin ang loob ko. Kailangan makita ng mga anak ko, na masasandalan nila ako maski ano pang mangyari.

Maski ano pa ang sabihin ng iba, sinisikap namin na maging maganda ang buhay namin. Nag-aambisyon kami at nangangarap. Ayun, may mga anak ako na nasa Japan, Hong Kong, Saudi. Yung iba nag-US, Canada, Europe. ‘Yung iba ayaw umalis sa akin. Halos lahat, wala naman silbi. Masaya daw sa piling ko, maski amoy pusali ako.

Sa dami ng mga anak ko na nagsisikap na tulungan ang kalagayan namin, siya din ang dami ng mga anak ko na nanamantala sa kabuhayan at kayaman na itinatabi ko para sa punyetang kinabukasan naming lahat. Eto na nga ang panahon na halos di na kami makaahon sa hirap ng buhay. Napakahirap dahil nasanay na kami sa ginhawa at sarap.

Alam mo, gusto ko na sanang tumigil sa pagpuputa kaso ang laki talaga ng letseng utang ko eh. Palaki pa ng palaki! Paano na lang ang mga anak kong naiwan sa aking puder? At paano na lang ang mga anak kong nasa abroad? Baka di na nila ako balikan o bisitahin man lang? Hindi na importante kung laspagin man ang ganda ko, madama lang ng mga anak ko ang pagmamahal ko. Malaman nila na ibibigay ko ang lahat para sa kanila.

Sa tuwing titingin ako sa salamin, alam ko maganda pa rin ako. Meron pa din ang bilib sa akin. Napapag-usapan pa din. Sa tuwing nakikita ko ang mukha ko sa salamin, nakikita ko ang mga anak ko. Tutulo na lang ang mga luha ko ng di ko namamalayan. Ang gagaling nga ng mga anak ko eh, namamayagpag kahit saan sila pumunta. Mahusay sa kahit anong gawain. Tama man o mali.

Sa dami ng mga anak ko, iilan lang ang may malasakit sa akin. May malasakit man, nahihilaw pa.

Mabigat dalahin para sa akin, ang katotohanan na ni minsan ay di kami naging isang pamilya. Halos lahat ng mga anak ko, galit sa isa’t isa. IIlan ang gusto magtulungan, naghihilahan pa. Madalas kong itinatanong sa sarili ko kung naging masama ba akong nanay para magturingan ng ganito ang mga anak ko?

Kanino bang similya ng demonyo nanggaling ang mga anak kong maituturing mong may mga pinag-aralan pero nakakadama ng saya at sarap sa paghihirap ng kapatid nila? Di ko lubos maisip kung saan impiyerno nanggaling ang kasikiman ng ilan sa mga anak kong ito. Sila pa naman ang inaasahan kong magbabangon sa amin. Nakakabaliw isipin na natitiis nila ang kalagayan ng kanilang mga kapatid na halos mamatay sa hirap ng buhay. Parang di sila magkakapatid sa tindi ng pagkaganid at walang pagmamalasakit.

Ang di ko akalain ay mismong mga anak ko, ang tuluyang sisira sa akin. Kinapital ang laspag na ganda ko. Masaya sila sa mga nabibili nila mula sa pinagputahan ko. Buong angas nilang pinagyayabang ang mga pansamantalang yaman at ang kanilang hilaw na pagkatao sa mga makakakita at makikinig. Talaga bang nakakalula ang materyal na kayamanan at mga titulong ikinakabit sa pangalan? Hindi ko maintindihan.

Minsan sa pagtingin ko sa salamin, ni hindi ko na nga kilala sarili ko.

Dadating na naman ang pasko, sana maalala naman ako ng mga anak ko. Ilang linggo pa, magbabagong taon na. Natatakot ako sa taong darating. Ngayon pa lang usap-usapan na ang susunod na pangbubugaw sa akin. Gagamitin pa nila ang kahinaan ng mga kapatid nilang alipin sa kalam ng tiyan. Sa tagal ng panahong ganito ang sitwasyon namin parang eto lang ang sulok na gagalawan ko. Sana may magtanggol naman sa akin. Ipaglaban naman nila ako. Gusto kong isigaw: “Ina ninyo ako! Pagmamahal nyo lang ang kailangan ko!”

Sensya na, ang haba na ng drama ko. Masisira na ang make up ko nito eh. Salamat ha, pinakinggan mo ako. Malaking bagay sa akin na nakausap kita. Ang tagal nating nag-usap, di man lang ako nagpapakilala.

Ay sorry, di ko nasabi pangalan ko.

Pilipinas nga pala.

_____________________

http://www.facebook.com/minsan.may.isang.puta

Gusto ko lang pong linawin na hindi po ako ang nagsulat nito,this is by Mike Portes.Shinare ko lang po para maraming makabasa sa sinulat niya:)

Photo: From the movie “Ganap na Babae”

JULY 22, 2012

CCFI (Ptr. Joel Jumalon)

 

TWO GREATEST COMMITMENTS 

1. Shaped to Worship 

Only surrender lives can be used by God.

2. Shaped to Disciple 

 

TRUTH # 1

Every Christian is called to be a pastor or priest everyone is called.

1 Peter 2:9 

But you are a chosen people, a royal priesthood, a holy nation, God’s special possession, that you may declare the praises of him who called you out of darkness into his wonderful light.

TRUTH #2

We will go mature as a Christian when we involve in a ministry.

TRUTH #3

The motive of ministry is love.

Deuteronomy 10:19

Therefore love the strangers, for you were strangers in the land of Egypt.

 

1. SHAPED BY THE BEST

 

1.1. Our future place is beyond our imagination.

1 Corinthians 2:9

 

1.2. In this life we will have fullness of joy.

John 10:10

The thief does not come except to steal, and to kill, and to destroy. I have come that they may have life, and that they may have it more abundantly.

1.3. We have eternal life.

John 3:16

For God so loved the world that He gave His only begotten Son, that whoever believes in Him should not perish but have everlasting life.

2. SHAPED TO BE THE BEST

 

2.1. Self-Defence ministry

Acts 20:23

 I only know that in every city the Holy Spirit warns me that prison and hardships are facing me.

2.2. Prayer for ministry

  • No prayer, no power
  • Ministry is supernatural, unless its foundation is Jesus will not prosper.

2.3. Ministry of the word

2.4. Shepherding Ministry

1 Peter 5:1-13

And now, a word to you who are elders in the churches. I, too, am an elder and a witness to the sufferings of Christ. And I, too, will share in his glory when he is revealed to the whole world. As a fellow elder, I appeal to you: Care for the flock that God has entrusted to you. Watch over it willingly, not grudgingly—not for what you will get out of it, but because you are eager to serve God. Don’t lord it over the people assigned to your care, but lead them by your own good example.

Psalms 23:1-6

 The Lord is my shepherd;
    I have all that I need.
He lets me rest in green meadows;
    he leads me beside peaceful streams.
    He renews my strength.
He guides me along right paths,
    bringing honor to his name.
Even when I walk
    through the darkest valley,
I will not be afraid,
    for you are close beside me.
Your rod and your staff
    protect and comfort me.
You prepare a feast for me
    in the presence of my enemies.
You honor me by anointing my head with oil.
    My cup overflows with blessings.
Surely your goodness and unfailing love will pursue me
    all the days of my life,
and I will live in the house of the Lord
    forever.

Elocutionist– public speaker

Received Messages 5

Maam Shee Palma (June 6, 2012 9:32pm)

Only God can truly see the start and the end of any situation. He is always in the process of preparing you for the next step. From where you are, it may look like the most illogical way to go, but once you take the step, i become clearer when you are there. ” Many are plans in a man’s heart, but it’s the Lord purpose that prevails.” Proverbs 19:21

Earl Aries Baguio (June 11,2012 2:37pm)

Good people are like sunlight, filtering into the quite corners of one’s heart, offering bright mornings and fresh hope yet demanding nothing return. May you always be the sunlight that you truly are, refreshing everyone whose life you touch today.

Maam Shee Palma (June 12,2012 8:38am)

Not all roads are for us to walk on. Not all doors are for us to enter. Not all chances are good for us to grab. At times, it’s a test of wisdom. A test if we know ourselves and a test to know your values and principles.

Maems (June 13, 2012 10:10pm)

We have enough sense to realize that the easiest way to get out of being lost is to ask direction.

Joy_c Licayan (June 19, 2012 8:52pm)

Cling to the one who controls the universe when your world spins out of control.

Maam Shee Palma (June 20,2012 9:24pm)

Good people are like the wind, you cannot see what’s inside their hearts, but you can feel their goodness and sincerity.

Gerlyn Mae Sinangote ( June 23, 2012 11:36pm)

God’s plan is always prevail.

Jerryl Navarro (June 24, 2012 8:40am)

Confidence in the Lords fuels motivation. It is the foundation for courage and endurance.”

 

 

MUNDONG GINAGALAWAN

MUNDONG GINAGALAWAN

Darlene Mayadoc

Camille Kate Anarcon

Hugis dalandan mundong ginagalawan

Halina’t pagmasdan kanyang kariktan

Kagandahang taglay dapat pahalagan

Binibigay na biyaya dapat pangalagaan

Hali na kayo at ang mundo’y kilalanin

Hiwaga ng pinagmulan ating tuklasin

Mahalagang impormasyon ating kunin

Para mundo’y maintidihan at mahalin.

Kanyang pinagmulan ay makasaysayan

Libo-libo ng taon ang dumaan

Ngayon ay pinaghahandaan

Upang hinaharap ay matugunan

 Mundong katangitangi ating ingatan

Upang matugunan ating pangangailangan

Wag sanang sirain kanyang kayamanan

Upang biyaya nya’y mapakinabangan.

ANG ATING MUNDO

ANG ATING MUNDO

Jervyll Paras

Kathleen Claire Sunio

(OLIC)

 

Ang ating mundo ay puno ng kwento

Iba’t-ibang kwento ang nakabalot dito

Maraming katanungan sa mundo ko’y nabuo

Dahil para sa amin, ito’y puno ng misteryo

Pinagmulan ay kontinenteng buo

Mga higanteng hayop ang naghahari dito

Nang ang mga lupain ay nagsimulang kumalat

Bagong kasaysayan ang naisulat.

Ang ating mundo ba sa simula’y nandito?

Maraming teorya ang nagawa tungkol ditto

Kasama na ang paniniwalang siyentipiko

Pati na rin ang tinatawag na mito.

Sa loob ng napakaraming taon

“Bakit ganito?” “Bakit Ganun?”

Tanong ng taong gusto ng edukasyon

Sa mundong ginagalawan niya ngayon.

MUNDO NG BAWAT ISA

MUNDO NG BAWAT ISA

Abigail Mangaron

Rachel Faith Labtic

(OLIC)

 

Isang lugar na kanlungan ng mga tao,

Na hinatihati sa napakaraming pulo

Bilang ng kontinente umabot sa Pito

May iba’t ibang tradisyon ang bawat etniko.

 

Mundong maraming kasaysayan

Mundong ating kinakanlungan

Kailngan nating pahalagahan

At  dapat nating pangalagaan.

 

Kilala sa tawag na asul na Planeta

Binubuo ng katubigan at Lupa

Buhay na nilikha dito nakatira

Simula pa noong una.

 

Kultura’t tradisyon dito’y nabuo

Sa pagsama-sama’t ugnayan ng tao

Pananakop ang dahilan ng pagkakagulo

Ang galit at dusa ay dito nabuo.

 

Subukan nating mga nilikha na magkaisa

Upang lahat ng nilalang ay magkaisa

Alagaan ang lahat na sa mundo’y makikita

Nang makagawa ng mundong nagkakaisa’t mapayapa

ANG ATING MUNDO

ANG ATING MUNDO

Alberto Pontino Jr.

 Uziel Zebadiah Dreisbach

(OLR)

Aking nasilayan

Ang  ganda ng mundo

Pati mga lugar nito

Tulad ng Tokyo at dagat ng Honolulu

 Di ko rin malilimutan

Ang mga tao sa San Francisco

Sila ay mga relihiyoso

Palaging determinado.

Maganda ang Mundo

Pero bakit nagkaganito

Maraming nag-aaway

Tulad ng mga Tsino at Pilipino

Unti-unting nagkakagulo

Tayong mga Pilipino

Nag-aaway tayo

Sa kakaramput na piso

Anong nangyayari sa mundo

Bakit tayo nagkaganito?

Maraming nag-aaway

Tulad ng Tulfo at Santiago